Home HOME BANNER STORY ICC arrest warrant handa kong harapin – Digong

ICC arrest warrant handa kong harapin – Digong

MANILA, Philippines – Sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na handa siyang harapin ang umano’y arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng kanyang kontrobersyal na war on drugs.

Sa panayam ng GMA Integrated News, sinabi ni Duterte na haharapin niya ang isyu bilang abogado at wala siyang balak na tumakas sa ibang bansa.

“I would say that not really appear or non-appearance, but I will deal with the problem directly as a lawyer. Gagamitin ko na ‘yung pagka-abogado ko [I will act as a lawyer],” ani Digong.

Pinabulaanan din niya ang balitang nagtungo siya sa Hong Kong para umiwas sa umano’y warrant, iginiit niyang naroon siya bilang bisita at kung magtatago man siya, sa Pilipinas niya ito gagawin.

“Susmaryosep. Mas lalo akong mahuli dito (sa Hong Kong). I am here as a visitor. We do not enjoy any privileges here. Tsaka kung magtago ako, hindi ako magtago sa ibang lugar. Diyan ako sa Pilipinas. Diyan mo ako hindi makita,” dagdag pa ng dating pangulo.

Sa kabila ng mga ulat, hindi pa nagbibigay ng pahayag ang ICC Office of the Prosecutor.

Sinabi naman ng Malacañang na wala pa silang natatanggap na impormasyon tungkol sa Interpol Red Notice laban kay Duterte ngunit handa sila sa anumang posibleng kaganapan. RNT