MANILA, Philippines – Nasa 38 dating manggagawa ng Philippine offshore gaming operators (POGO) ang nakakuha ng bagong trabaho sa special job fair na inorganisa ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Mall of Asia sa Pasay City mula Nob.19 hanggang 20.
Kabilang ang 38 POGO workers sa 138 hired-on-the-spot (HOTS) sa DOLE Action Plan and Transition Project (DAPAT) bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tulungan ang mga displaced workers.
Sinabi ng DOLE na ang 136 HOTS ay katumbas ng 15.72 porsyento ng 865 na naghahanap ng trabaho na nagparehistro para sa job fair.
Umabot sa 790 employers na kalahok sa ibat-ibang industriya ang nag-aalok ng 12,378 na bakanteng trabaho. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)