Home NATIONWIDE Kamara nagpasalamat sa Indonesia president sa Veloso case

Kamara nagpasalamat sa Indonesia president sa Veloso case

Manila, Philippines – Nagpahatid ng pasasalamat kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang liderato ng Kamara kaugnay sa napipintong pagpapalaya at pag-uwi sa Pilipinas ng overseas Filipino worker sa Indonesia na si Mary Jane Veloso.

Binigyang diin ni House Speaker Martin Romualdez na ang mga ganitong inisyatibo ay bahagi ng “resolute diplomatic endeavor” ng pangulo sa pagbibigay ng proteksyon sa mga OFW.

“I commend President Ferdinand R. Marcos Jr. for his resolute leadership and compassionate heart in bringing Mary Jane home. This achievement highlights the President’s firm commitment to protecting and upholding the rights of our overseas Filipino workers, even in the most difficult of circumstances,” ani Romualdez.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang liderato ng Kamara sa pangulo ng Indonesia dahil sa pang-unawa at awa sa kaso ni Veloso matapos ang masinsinang negosasyon na nauwi sa pagpapalaya kay Veloso.

“I also express my gratitude to the Indonesian government, particularly President Prabowo Subianto, for their goodwill and understanding. This act of compassion strengthens the bonds of friendship between our two nations, built on mutual respect and shared values of justice and humanity.”

Sa gitna ng kagalakan sa paglaya ni Veloso ay nagpaalala si Romualdez sa hamon na kinakaharap pa rin ng mga OFW kung kaya nais niyang mailatag ang systematic reforms upang maproteksyunan ang mga OFW mula sa pang-aabuso ng mga recruiters at mga sindikato.

“As Speaker of the House of Representatives, I vow to continue working closely with our government agencies to advance policies that protect OFWs and their families, ensuring that no Filipino feels abandoned or unheard, no matter where they are,” dagdag pa ni Romualdez. (Meliza Maluntag)