Home NATIONWIDE 38 Pinoy crew ng MV Hondius, nakauwi na sa Pilipinas

38 Pinoy crew ng MV Hondius, nakauwi na sa Pilipinas

1
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na nakabalik na sa Pilipinas ang 38 Pilipinong crew members ng MV Hondius, kung saan naunang naiulat ang mga kaso ng hantavirus.

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, ligtas na nakauwi ang mga seafarer mula sa Netherlands matapos makumpleto ang kanilang quarantine.

“Our 38 MV Hondius Filseafarers arrived home safely last night from quarantine in the Netherlands, ably assisted by DOH-DMW-OWWA-DOTr-BI teams as directed by President Bongbong Marcos,” ani Cacdac sa social media.

Bago sumailalim sa quarantine, negatibo rin sa hantavirus ang resulta ng pagsusuri sa lahat ng 38 Pilipinong crew members.

Sinabi rin ni Cacdac na patuloy pa ring matatanggap ng mga seafarer ang kanilang sahod para sa natitirang bahagi ng kanilang kontrata.

“They will continue to receive their wages for the unexpired portions of their contracts and will still be safely employed by their shipowner,” dagdag niya.

Ang hantavirus ay karaniwang naipapasa mula sa mga daga patungo sa tao. Gayunman, ayon sa World Health Organization (WHO), walang naitalang presensya ng mga daga sa barko kaya pinag-aaralan ang posibilidad ng bihirang human-to-human transmission.

Ayon sa mga eksperto, maaaring mangyari ito sa pamamagitan ng matagal at malapitang pakikisalamuha, lalo na kung sangkot ang Andes strain ng hantavirus na matatagpuan sa ilang bahagi ng Latin America—mga lugar na binisita ng cruise ship at ng isang Dutch couple bago sumakay sa barko. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here