Home NATIONWIDE 38 Pinoy na naka-quarantine sa banta ng hantavirus nasa maayos na kondisyon

38 Pinoy na naka-quarantine sa banta ng hantavirus nasa maayos na kondisyon

43
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nasa maayos na kondisyon ang 38 Pilipinong isinailalim sa quarantine sa Netherlands kaugnay ng hantavirus outbreak sa MV Hondius.

Ayon kay DOH Undersecretary Albert Domingo, wala ni isa sa mga Pinoy ang nahawahan ng sakit.

“Ni isa sa mga 38 ay dinapuan, awa ng Diyos,” ani Domingo.

Sinabi niyang hanggang kalagitnaan ng Hunyo tatagal ang anim na linggong quarantine ng mga tripulante.

Ibinahagi rin ni Domingo na personal na ipinaabot kay Health Secretary Ted Herbosa ng Netherlands Health Minister Sophie Hermans ang update habang nasa World Health Assembly sa Geneva.

Ayon sa DOH, may ilang crew members na magpapatuloy sa trabaho matapos ang quarantine habang ang iba ay posibleng magpa-repatriate.

Batay sa ulat ng World Health Organization (WHO), umabot na sa 13 ang kumpirmadong kaso ng hantavirus na konektado sa MV Hondius, kabilang ang tatlong nasawi.

Ang hantavirus ay virus na karaniwang nagmumula sa mga daga at maaaring magdulot ng malubhang sakit at kamatayan sa tao.

Gayunman, sinabi ng WHO na nananatiling “low” ang panganib nito sa pandaigdigang populasyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here