Home LIFESTYLE HEALTH 387 medical vehicles, ipinamahagi sa Luzon LGUs

387 medical vehicles, ipinamahagi sa Luzon LGUs

195
0

MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ceremonial turnover ng 387 patient transport vehicles (PTVs) sa mga local government units (LGUs) sa buong Luzon.

Sa ngayon, ito ang itinuturing na “largest single-day distribution” ng medical vehicles ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa naging talumpati ni Pangulong Marcos, sa isinagawang distribusyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Patient Transport Vehicles (PTVs) sa ilang Local Government Units (LGUs) sa Luzon, sa Quirino Grandstand, Lungsod ng Maynila, araw ng Miyerkules, Hulyo 9, muling pinagtibay ng Pangulo ang commitment ng administrasyon sa universal healthcare access sa pamamagitan ng pagtiyak na ang bawat lungsod at munisipalidad sa bansa ay makatatanggap ng isang medical transport vehicle bago matapos ang taong 2025.

“Ang plano natin sa susunod, dahil siyempre ‘yung ibang bayan mas malaki sa ibang bayan, ‘yung city mas malaki sa ibang city, titingnan ngayon natin kung ano ‘yung pangangailangan,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“We have to base it already on the population ng bawat lugar,” aniya pa.

Sa kabilang dako, sa 387 PTV na ipinamahagi, ang mga rehiyong napagkalooban ay ang:

Ilocos Region: 30 units

Cagayan Valley: 72 units

Central Luzon: 99 units

Calabarzon: 27 units

Mimaropa: 60 units

Bicol Region: 64 units

Cordillera Administrative Region: 35 units

Sinasabing ang bawat sasakyan ay mayroong stretcher, oxygen tank, blood pressure monitor, at iba pang mahahalagang medical tools para suportahan ang ligtas at episyenteng emergency response at pagbyahe ng mga pasyente.

Winika pa ng Pangulo na mula Hunyo 2022 hanggang Hunyo 2025, may kabuuang 680 PTV ang naipamahagi sa buong bansa.

Sa katunayan, ang pinakabagong batch para sa Luzon ay bahagi ng pinalawak na rollout na kinabibilangan ng 123 PTV para sa Visayas at 105 naman para sa Mindanao.

Samantala, ang pag-turnover ay bahagi ng Medical Transport Vehicle Donation Program ng PCSO na naglalayong palakasin ang health systems sa grassroots sa pamamagitan ng pagbibigay ng mobility at logistical support sa LGUs, partikular na sa mga remote at underserved communities. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here