ABOT-KAMAY na ni Brooke Van Sickle ang kanyang pangarap na maging opisyal na kinatawan ng Pilipinas matapos niyang kumpirmahin na nasa huling yugto na ang proseso ng kanyang federation change mula USA patungong Pilipinas.
Ayon kay Van Sickle, inaasahan niyang makakatanggap na sila ng kumpirmasyon mula sa FIVB sa mga susunod na araw.
Kasama rin sa proseso sina MJ Phillips at Tia Andaya na parehong Fil-Am players.
Una nang lumaro si Van Sickle para sa Alas Pilipinas sa VTV Cup 2025 kung saan nagtapos sila sa ikaapat sa walong koponan.
Ipinakita niya ang kanyang all-around game na kilala sa local volleyball scene.
Ipinahayag niya na matagal na niyang hinahangad na makapaglaro sa ilalim ng watawat ng Pilipinas. Ngayon, mukhang matutupad na ito at isa na itong milestone sa kanyang career.GP