Naghain sina Leyte Rep. Martin Romualdez at Tingog Party-list Reps. Andrew Romualdez at Jude Acidre ng panukalang batas para amyendahan ang Bank Secrecy Law.
Sa ilalim ng panukala, papayagan ang Bangko Sentral ng Pilipinas na siyasatin ang bank deposits sa mga kasong may makatwirang hinala ng ilegal na gawain.
“In its current form, the law is being used to shield illegal acts such as money laundering, tax evasion, and corruption. That needs to change,” ani Romualdez.
Naghain din si Senador Chiz Escudero ng hiwalay na panukala na nag-uutos sa mga opisyal ng gobyerno na isuko ang karapatan sa bank secrecy sa pamamagitan ng pagsumite ng written waiver. RNT