Home SPORTS Lucero malabo sa Gilas

Lucero malabo sa Gilas

260
0

SINUSURI pa ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang dokumentasyon ni Zavier Lucero upang matiyak kung kwalipikado itong maglaro bilang local player sa Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Cup 2025.

Ayon kay SBP executive director Erika Dy, tanging Philippine passport pa lamang ang nasisiguro nila sa ngayon.

Idinagdag ni Dy na huli nang naisama si Lucero sa pool bilang pagtalima sa deadline ng FIBA para sa ‘long list’ ng mga manlalaro.

Nangyari ito sa sidelines ng general assembly ng Philippine Sports Commission na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Ayon sa SBP, kapag bumalik na si Lucero ay doon pa lamang nila malalaman kung eligible nga ito bilang local.

Kasama sa pool sina Rhenz Abando, Troy Rosario, at RJ Abarrientos ngunit nilinaw ni Gilas coach Tim Cone na ang apat ay inihahanda lamang para sa torneo sa Jeddah, Saudi Arabia sa Agosto.GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here