Home METRO 39 undocumented aliens na nagtatrabaho sa major telco arestado

39 undocumented aliens na nagtatrabaho sa major telco arestado

230
0

MANILA, Philippines- Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI ) ang nasa 39 dayuhan sa isinagawang operasyon sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City nitong  Mayo 29.

Pinangunahan ng BI Intelligence Division katuwang ang Philippine National Police Southern Police District (PNP-SPD) ang isinagawang operasyon na ang target ay isang  telecommunications company kung saan mga dayuhan, halos mga Chinese national, ang nagtatrabaho na isang paglabag sa Philippine immigration rules.

Walang maipakitang kaukulang travel documents noong isagawa ang pagsalakay na maituturing na paglabag sa ilalim ng Philippine law.

Ayon sa BI, bagama’t ang mga nasabing dayuhan ay mga visa, ito ay inisyu sa ilalim ng petisyon ng iba’t ibang kompanya na isang paglabag sa kanilang pananatili.

“Foreign nationals who wish to work in the Philippines must comply with all our laws and procedures. Those who enter under false pretenses or switch employers without proper authorization will face the full force of the law,”  ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado.

“This operation sends a strong message: the BI will not tolerate violations that threaten our national security and undermine our immigration system,” dagdag pa ng opisyal.

Isinagawa ang pagsalakay matapos ang ilang linggong  surveillance at  intelligence gathering, sa koordinasyon ng iba’t ibang government agencies. JR Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here