Home NATIONWIDE 4.5M tonelada ng bigas aangkatin sa agri damage ng sunod-sunod na bagyo

4.5M tonelada ng bigas aangkatin sa agri damage ng sunod-sunod na bagyo

MANILA, Philippines – SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na aangkat ang Pilipinas ng 4.5 milyong tonelada ng bigas matapos ang pinsalang natamo ng sektor ng agrikultura dahil sa sunod-sunod na bigwas ng bagyo na tumama sa bansa.

Ang pag-angkat ng bigas ay sapat para sa pangangailangan ng mga Filipino.

Sinabi ito ng Pangulo sa isang ambush interview matapos ang situation briefing ukol sa Bagyong Pepito.

Tinanong kasi ang Pangulo kung ang pinsala sa agrikultura sanhi ng mga bagyo sa nakalipas na tatlong linggo ay magreresulta ng rice importation, at ang tugon nito ay “Yes.”

“Yes, I think so. Unfortunately. I just received a report from DA [Department of Agriculture] that it looks like our importation will decrease,” ang sinabi ng Pangulo.

“We will import close to four and a half million tons. Nag 3.9 million tayo last year [ We reached 3.9 million last year],“ aniya pa rin.

Sa kabilang dako, tiniyak naman ng Chief Executive na ang ‘food security’ ng Pilipinas ay nananatiling maayos.

“In terms of food security, we’re alright, but a lot of rice fields and crops have been damaged. We will just have to compensate for that,”ang sinabi ng Punong Ehekutibo. Kris Jose