Home NATIONWIDE 4 abogado, ipapatawag ng NBI sa ‘honey trap’ plot vs Recto

4 abogado, ipapatawag ng NBI sa ‘honey trap’ plot vs Recto

1
0

MANILA, Philippines — Magpapalabas ng subpoena ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa apat na abogado na umano’y sangkot sa paggawa ng mga pekeng pahayag para sa sinasabing “honey trap” plot laban kay Executive Secretary Ralph Recto.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag nitong Biyernes, ilalabas ang mga subpoena sa Lunes at aatasan ang apat na abogado na humarap sa ahensya sa Agosto 14.

Kasunod ito ng supplemental affidavit na isinumite ng isang talent manager na kinilalang si Alias Ken, na naaresto nitong Huwebes sa isang human trafficking case. Pinangalanan umano nito ang apat na abogado at nagsumite rin ng kanilang mga larawan.

Nauna nang sinabi ni Alias Ken na dumalo ang mga abogado sa mga harapang pagpupulong nila ni former Cong. Jing Paras para talakayin ang umano’y plano kung saan apat na babae ang gagawa ng mga pekeng pahayag na nagsasabing pinilit sila ni Recto na gumamit ng ilegal na droga at makipagtalik sa kanya.

Ayon kay Alias Ken, dalawang abogado ang dumalo sa unang pagpupulong noong Hulyo 15, habang naroon naman ang lahat ng apat sa ikalawang pagpupulong noong Hulyo 26.

Sinabi rin niya na nagpakilala umano ang mga abogado bilang mga kinatawan ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste, na inaakusahan niyang financier ng umano’y “honey trap” operation.

Kapwa itinanggi nina Leviste at Paras ang kanilang pagkakasangkot sa naturang modus.

Pinadalhan din sila ng subpoena ng NBI upang magbigay-linaw sa mga alegasyon at inatasang humarap sa Agosto 11 matapos hindi sumipot sa ahensya nitong Huwebes. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here