Home NATIONWIDE 4 arestado sa dynamite fishing sa Quezon

4 arestado sa dynamite fishing sa Quezon

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang apat na indibidwal sa Panukulan, Quezon dahil sa dynamite fishing.

Ayon sa Coast Guard District Southern Tagalog nitong Sabado, Mayo 17, ang mga suspek ay nahuli sa pinagsanib na anti-illegal fishing operation sa Sitio Pulong Kiko, Barangay Libo, noong Biyernes.

Naaktuhan ang apat sakay ng motorized fishing banca at sinubukang takasan ang mga awtoridad sa paghahagis ng mga huli at paraphernalia na sakay ng bangka.

Sa kabila nito ay naharang ng mga awtoridad ang mga suspek at nakumpiska ang unmarked motorized banca, compressor, diving gear, improvised fishing equipment, at storage boxes na may estimated value na P96,020.

Ang mga suspek ay mahaharap sa reklamong paglabag sa Municipal Fisheries Ordinance Number 02-2005, Section 19.15, na nagbabawal sa paggamit ng pampasabog sa pangingisda. RNT/JGC