NUEVA ECIJA, Philippines – Arestado ang apat na indibidwal kabilang umano’y ahente na nagbebenta ng mga pekeng pataba (Fertilizer) sa ikinasang magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa bayan ng Talavera at Rizal.
Batay sa ulat ni Nueva Ecija Police Director Col Ritchie Claravall Kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez.
Unang nasabat ng mga awtoridad ang 260 na sako ng iba’t-ibang uri umano’y pekeng pataba na nagkakahalaga ng P258,000 sa Talavera, Nueva Ecija.
Habang nasa 500 sako ng mga pekeng fertilizer, 21 granulator machine, at delivery truck na nagkakahalaga ng tinatayang P900,000 ang nakumpiska sa operasyon ng pulisya sa Barangay Sta.Monica, Rizal, Nueva Ecija.
Magkasanib puwersa ang pulisya at Fertilizer and Pesticides Authority (FPA) sa ikinasang operasyon.
Nasa kustodiya na nang mga awtoridad ang mga nakumpiskang kontrabando, habang mahaharap ang mga naarestong suspek sa patung-patong na kaso. (ROEL TARAYAO)