MANILA, Philippines – Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Migrant Workers (DMW) na ipaabot ang lahat ng posibleng legal assistance sa mga pamilya ng Filipino seafarers na nasawi matapos atakehin ng mga unmanned aerial vehicle (UAV) o drone ang siyam na barkong komersyal sa Black Sea.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na ipinag-utos ni Pangulong Marcos kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac na kaagad na makipag-ugnayan sa pamilya ng mga apektadong seafarers at tiyakin na ang lahat ng available na legal assistance at suporta ay maipaaabot sa mga ito.
“Ang DMW, ayon kay Secretary Hans Cacdac, ay inaalam kung may nangyaring pagre-report para sa proteksyon ng ating mga Filipino seafarers. Kapag nalaman nila na may nag-violate na local manning agencies o foreign principals, maaari silang matanggalan ng lisensya,” ayon kay Castro.
Dinedetermina rin ayon kay Castro ng DMW kung ang deployment at protection protocols ng mga seafarers ay maayos na sinunod.
Patuloy namang tinitingnan ng gobyerno ang mga mga pangyayari na nakapalibot sa insidente upang matiyak ang kapakanan at kaligtasan ng mga Filipino seafarers ay protektado partikular na iyong mga dineploy sa conflict-affected areas.
Sa kabilang dako, sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo J. Cacdac na nakatutok ang ahensya sa mga insidente ng seguridad na kinabibilangan ng siyam na barko kung saan nakasakay ang kabuuang 139 na seafarer na Pilipino habang pumapalagay sa mga ruta o naka-angkla sa mga daungan ng Ukraine at Russia.
Ayon sa kalihim, kumpirmadong ligtas at walang pinsala ang 124 sa mga nasabing seafarer. Karamihan sa mga inatakeng sasakyang-dagat ay mgabulk carrieratoil/product tankerna nagtamo ng pinsala mula sa mga pag-atake habang nakadaong, nakadaong sa angkorahe, o sa madaling panahon pagkaalis ng daungan.
Samantala, winelcome naman ni Castro ang report na may apat na Philippine-registered vessels ang matagumpay na nakatawid sa Strait of Hormuz sa gitna ng tumataas na tensyon sa rehiyon.
“Magandang balita rin naman po iyan. Nakakatuwa po iyan dahil alam din po naman natin kung ano ang naging agreement natin sa bansang Iran,” ayon kay Castro.
Idinagdag pa ni Castro na tsine-check ni Cacdac kung ang vessels ay maayos na naiulat ang presensiya ng mga Filipino seafarers na nakasakay, habang patuloy naman ang gobyerno na sinisiguro ang proteksyon ng mga Filipino workers sa panahon ng kanilang pagdaan sa Strait of Hormuz. (KRIS JOSE)