CAVITE, Philippines – Tatlong kalalakihan ang pinagbabaril makaraan ang komprontasyon na nauwi pagtatalo hanggang sa pagbabarilin ang mga biktima sa Sunny Brook 1 Subdivision, Brgy. San Francisco, Gen. Trias City, Cavite.
Ayon sa report Kinilala ang mga biktima na namatay na si alyas na “July,” 19, laborer. Sugatan naman sina alyas “Chano,” 28, at alyas “Mike,” 27, kapwa isinugod sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital (GEAMH) na nagtamong mga tama ng bala sa tiyan.
Matapos sumuko sa tanggapan ng barangay ang suspek na kinilalang alyas “Ricky,” 40, residente rin ng Sunny Brook 1. Agad siyang inaresto ng mga pulis matapos aminin na soya ang responsable sa pamamaril sa mga biktima.
Base sa ginawang imbestigasyon ng pulisya, kasalukuyang nagpapatrolyang miyembro ng General.trias Police nang makatanggap ng ulat kaugnay sa nasabing insidente.
Agad na nagreponse ang mga ito at pagdating sa lugar, tumambad sa kanila ang isa na wala ng buhay, habang sugatan ang dalawa sa mga ito.
Sa pahayag ng suspek, sinabi niyang matagal na umanong sangkot ang mga biktima sa pagnanakaw at ilegal na droga sa kanilang komunidad, at ilang beses na rin umanong ninakawan ang kanyang junk shop.
Iginiit pa niya na bago ang insidente ay pinilit umanong kunin ng mga biktima ang mahahalagang bakal at scrap sa kanyang establisimyento.
Dahil sa galit, pinuntahan umano niya ang grupo upang komprontahin ang mga ito.
Nauwi umano sa mainitang pagtatalo ang kanilang pag-uusap hanggang sa bunutan umano siya ng baril ng isa sa mga biktima. Ayon sa suspek, naagaw niya ang armas at aksidenteng pumutok ito.
Nang muli umano siyang tangkain umanong salakayin ng dalawa pang kasama, nagpaputok siya ng ilang ulit na naging sanhi ng kanilang pagkakasugat at pagkamatay ng isa.
Matapos ang insidente, tumakas ang suspek at itinapon umano ang ginamit na baril sa isang ilog malapit sa pinangyarihan bago tuluyang sumuko sa barangay.
Patuloy ang imbestigasyon ng Gen.Trias Component City Police Station upang malaman ang tunay na motibo sa pamamaril habang inihahanda ang kasong.isasampa laban sa suspek. MARGIE BAUTISTA