Home NATIONWIDE 4 BuCor personnel sinibak sa pananaksak na ikinasawi ng PDL sa Bilibid

4 BuCor personnel sinibak sa pananaksak na ikinasawi ng PDL sa Bilibid

MANILA, Phiklippines- Sinibak at isinailalim sa preventive suspension ang apat na tauhan ng Bureau of Corrections kabilang ang Acting Commander of Guards ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Kaugnay ito sa insidente ng pananaksak noong nakaraang Huwebes, kung saan isang person deprived of liberty (PDL) ang nasawi habang dalawa ang sugatan sa insidente.

Kinikala ang mga sinibak at isinailalim sa preventive suspension sina C/Insp. Louie Rodelas, acting commander of the guards, Corrections Officers 1 (CO1) Christian Alonzo at Joshua Mondres, kapwa nagsisilbing keepers ng Building 8 at CO1 Glicerio Cinco Jr., officer ng Gate 1 A.

Iginiit ni Bureau of Corrections (BuCor) General Gregorio Pio Catapang Jr. na kritikal ang tungkulin ng corrections officers sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan, at responsibilidad din ng mga ito na pangalagan ang seguridad sa loob ng bilibid prison upang hindi na lumaganap ang anuman karahasan.

“Our personnel should be alert and vigilant to enhance the safety protocols that govern the custody and management of inmates anytime of the day,” ani Catapang Jr.

Malinaw aniya na pumalpak ang operasyon ng NBP na nagresulta sa pagkamatay ng PDL na si Ricardo Peralta at pagkasugat nina PDLs Reginal Lacuerta at Bert Cupada. Teresa Tavares