Home NATIONWIDE 4 kumpirmadong patay, 4 nawawala sa pagtaob ng bangka sa Cagayan sa...

4 kumpirmadong patay, 4 nawawala sa pagtaob ng bangka sa Cagayan sa hagupit ni Nando

288
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na apat na mangingisda ang nasawi habang apat na iba pa ang nananatiling nawawala matapos tumaob ang kanilang bangka sa baybayin ng San Vicente, Sta. Ana, Cagayan sa kasagsagan ng Super Typhoon Nando.

Sinabi ni Lt. Junior Grade Anabel Paet, commander ng Coast Guard District North Eastern Luzon na hindi tumitigil ang search and rescue operation simula nang mangyari ang insidente.

Kabilang sa mga natagpuang biktima ay residente ng Casambalangan, Sta. Ana habang mula naman sa Quezon Province at Camarines Norte ang iba pa.

Nailigtas din ang anim na indibidwal ngunit mayroon pa ring apat na hinahanap.

Natagpuan ang ikatlo at ikaapat na bangkay malapit sa tumaob na bangka ayon kay Ensign Mahilum, CGDNEL information officer.

Sa naunang imbestigasyon, pabalik na ng pampang ang 14 mangingisdda upang sumilong bunsod ng sama ng panahon nang hampasin sila ng malakas na alon dahilan para ito ay tumaob.

Ayon sa isang nakaligtas na si Ronaldo Roldan, na-trap sila sa loob ng engine room ng ilang oras nang walang pagkain at naghintay ng tulong na kalaunan ay natulungan ng mga tauhan ng PCG. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here