Home NATIONWIDE Pork barrel buhay pa rin sa pakikialam ng solons sa badyet ng...

Pork barrel buhay pa rin sa pakikialam ng solons sa badyet ng DPWH – Tulfo

270
0

MANILA, Philippines — Nananatili pa rin ang “pork barrel politics” sa paggasta ng pamahalaan, ayon kay Senador Erwin Tulfo, matapos niyang ihayag na patuloy umanong nakikialam ang ilang mambabatas sa badyet ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nang hindi nalalaman ng Pangulo.

Sa panayam sa ANC nitong Miyerkules, Setyembre 24, tinukoy si Ako Bicol Rep. Zaldy Co na umano’y nakatanggap ng alokasyon na tumaas mula ₱519 milyon noong 2022 hanggang ₱7 bilyon sa 2025 sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP).

“Kaya nga, that’s the problem… I’m very sure 100 percent hindi alam ng Pangulo ‘yun kasi ibibigay lang sa kanya ang NEP,” ani Tulfo.

Giit ng senador, kahit lumipas na ang isang dekada mula sa pork barrel scam investigation, nananatiling hawak ng mga kongresista ang dikta sa mga proyekto.

Bagaman may ilang nakasuhan tulad ng mga mambabatas at si Janet Lim-Napoles, bigo umano ang Kongreso na amyendahan ang batas para maiwasan ang pang-aabuso.

“In short, it’s pork barrel… pinaganda lang nila pero it’s still pork barrel,” dagdag niya.

Ibinunyag din ni Tulfo na napipilitang sumunod ang mga district engineer sa kagustuhan ng ilang pulitiko, na kumikilos bilang “proponents” at silang pumipili ng mga kontratista.

Nanawagan ang senador ng reporma upang matiyak na tanging DPWH Secretary lamang ang dapat magsumite ng mga proyekto para sa NEP, nang walang impluwensya mula sa mga politiko.

Sa Blue Ribbon Committee hearing noong Martes, inamin ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan na may tinatawag na “leadership fund” sa NEP para matugunan ang mga kahilingan ng mambabatas.

Ngunit tinutulan ito ni Senate President Pro
Tempore Panfilo Lacson, sabay giit na dapat gawin lamang ang insertions sa mismong budget deliberations at hindi sa NEP stage. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here