Home HOME BANNER STORY 4-month slowdown sa inflation rate, nasira; bumilis sa 1.4% noong Hunyo

4-month slowdown sa inflation rate, nasira; bumilis sa 1.4% noong Hunyo

MANILA, Philippines – TUMAAS ang inflation rate ng Pilipinas nito lamang Hunyo, dahilan para malagot ang four-month down streak.

Ang itinuturong dahilan, ang mas mabilis na utility costs sa nasabing panahon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Iniulat ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa na ang inflation print nitong nakaraang Hunyo—na sumusukat sa rate ng paglago sa consumer goods at services costs— bahagyang umakyat sa 1.4% mula 1.3% noong buwan ng Mayo.

Sinasabing ‘consistent’ ito sa naging pagtataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ang inflation rate noong nakaraang buwan ay papalo sa 1.1% hanggang 1.9% range.

“June’s inflation rate brought the year-to-date rate to 1.8%, still below the government’s comfortable inflation rate ceiling of 2% to 4% for 2025,” ayon sa ulat.

“Ang pangunahing dahilan ng mas mataas na antas ng inflation nitong Hunyo 2025 kaysa noong Mayo 2025 ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels sa antas na 3.2%. Ito ay may 63.3% share sa pagtaas ng pangkalahatang,” ayon naman kay Mapa. Kris Jose