Home METRO 4 na estudyanteng hiker, nasagip sa Cagayan

4 na estudyanteng hiker, nasagip sa Cagayan

86
0

CAGAYAN, Philippines – Tuluyan ng nasagip ng mga awtoridad ang apat na student hikers matapos na mahirapang makababa sa bundok sa Claveria, Cagayan.

Una rito, umakyat ang grupo ng mga estudyanteng edad 16 hanggang 20 sa Bantay Kalbo na sakop ng Barangay Taggat Sur dito sa nasabing bayan.

Pero naligaw umano sila ng ruta kaya na-stranded sa bundok.

Kaninang tanghali nang makahingi ang isang kasama nila ng tulong sa mga awtoridad na agad naman nagsagawa ng search and rescue operation.

Nanghihina at dehydrated ang mga estudyanteng hiker ng matagpuan ng mga rescue team.

Matapos maibaba sa bundok ay isinakay ang mga hiker sa rubber boat papunta sa Blue Lagoon Beach kung saan ay nabigyan sila ng paunang lunas ng Barangay Health Worker bago dalhin sa Rural Healtn Unit para sa karagdagang atensyong medikal.

Ang Bantay Kalbo sa Claveria, Cagayan ay dinarayo ng mga turista dahil kilalang hiking spot at may magandang tanawin ng karagatan. 

Samantala, nagbabala ang awtoridad sa mga hiker na ibayong pag-iingat para maiwasang ang anumang sakuna habang nasa kabundukan. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here