Home METRO 4 ‘NPA’ dedbol sa mga engkuwentro sa Agusan del Sur

4 ‘NPA’ dedbol sa mga engkuwentro sa Agusan del Sur

1
0

BUTUAN CITY — Apat na umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA), kabilang ang isang mataas na lider ng North Central Mindanao Regional Committee, ang nasawi sa serye ng engkuwentro sa hangganan ng Agusan del Sur at Bukidnon, ayon sa Philippine Army.

Kinilala ng militar ang napatay na lider na si Julia Cagadas, alyas “Rheda,” na sinasabing secretary ng NPA-North Central Mindanao Regional Committee.

Kabilang din sa mga nasawi sina Jonny Lindayo, alyas “Kikoy/Bugkoy,” at isang alyas “Doydoy,” ayon sa 4th Infantry Division.

Sinabi ng militar na naganap ang magkakasunod na engkuwentro mula Huwebes hanggang Sabado bilang bahagi ng operasyon laban sa natitirang miyembro ng grupo.

Tatlo pang umano’y NPA member ang sumuko matapos ang ikalawang engkuwentro noong Sabado habang anim na high-powered firearms ang narekober ng mga sundalo.

Ayon kay 403rd Infantry Brigade commander Brig. Gen. Seigfred Tubalado, malaki umano ang naging epekto ng pagkamatay ng mga lider sa kakayahan ng grupo na magsagawa ng armadong operasyon.

Sinabi naman ng Eastern Mindanao Command na nahaharap umano sa kakulangan sa pagkain at iba pang supply ang natitirang miyembro ng grupo dahil sa nagpapatuloy na military operations.

Patuloy ang operasyon ng militar laban sa mga natitirang miyembro ng NPA sa lugar. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here