Home METRO 4 pagyanig naitala sa Bulkang Mayon

4 pagyanig naitala sa Bulkang Mayon

MANILA, Philippines- Nakapagtala ng apat na volcanic earthquakes at tatlong rockfall events sa Mayon Volcano sa lalawigan ng Albay mula Linggo ng hatinggabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Lunes.

Batay sa pinakabagong bulletin, sinabi ng PHIVOLCS na naglabas din ang Mayon Volcano ng moderate amount ng usok na umabot ng 100 metro.

Noong Miyerkules May 8, nagbuga ang Mayon Volcano ng 586 tonnes ng sulfur dioxide flux.

Kasalukuyang nasa ilalim ang Mayon Volcano ng Alert Level 1 dahil sa low-level unrest. 

Pinaalalahanan ng PHIVOLCS ang publiko na bawal pumasok sa six-kilometer radius Permanent Danger Zone of Mayon Volcano at ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng aircraft malapit sa bulkan. RNT/SA