Home ENTERTAINMENT Sharon, may inamin sa isyu kay KC!

Sharon, may inamin sa isyu kay KC!

153
0

Manila, Philippines- Tiyak na marami ang nalungkot sa ginawang pag-amin ni Sharon Cuneta tungkol sa estado ng relasyon nila ni KC Concepcion.

The Megastar made this confession sa panayam ni MJ Marfori ng News5 sa kanya.

“Estranged” ang ginamit na salita ng singer-actress sa paglalarawan kay KC.

Just when the public thought na maayos na uli ang mag-ina pagkatapos ng Dear Heart concert nina Sharon at Gabby Concepcion ay hindi pa pala.

Kung matatandaan, “dedma” si Sharon noong ipagdiwang ng anak ang kaarawan nito last April 7.

Aminado si Sharon that it pains her na makitang malayo ang loob ni KC sa kanya.

Pero dahil isa siyang nanay, “Tiis-tiis na lang!”

Si Sharon na rin ang nagsabing ayaw daw niyang ipagsiksikan ang kanyang sarili sa anak kung ayaw nito.

May mga netizens namang nagpayo kay Sharon na hayaan muna si KC on her own.

Kailangan lang daw siguro ni KC ng space para makapag-isip-isip nang tama.

Sa bandang huli naman daw ay sila pa ring mag-ina ang magkasama.

Samantala, pinuri naman ni Cristy Fermin si KC dahil sa marespetong pakiusap nito na huwag nang talakayin ang naging mitsa ng ‘di pagkakaunawaan nito at ng kanyang ina.

May tao kasing nagparating kay Cristy ng pakiusap ni KC, na siya namang ginawa ng una. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here