Home NATIONWIDE 4 patay sa pananaksak ng kaanak sa New York

4 patay sa pananaksak ng kaanak sa New York

UNITED STATES – Patay ang apat na indibidwal matapos na pagsasaksakin ng kaanak gamit ang steak knife, sa isang tirahan sa Queens borough ng New York City nitong Linggo, Disyembre 3.

Kabilang sa napatay ang dalawang bata, at dalawa pa niyang kaanak.

Ayon sa New York City Police Department, tumawag sa kanila ang isang babae kaugnay ng insidente at sinabing “her cousin is killing her family members.”

Ang suspek na isang 38-anyos, ay nanaksak din ng dalawang pulis na rumesponde sa lugar, ngunit agad na napatay ng isang pulis nang barilin na ito.

Dati nang naaresto ang suspek dahil sa domestic violence.

Ang mga biktima ay isang 12-anyos na batang lalaki, 11-anyos na batang babae, 44-anyos na ginang at isang lalaki na nasa edad 30.

Natagpuan sa harap ng bahay ang katawan ng batang babae habang ang tatlo ay nasa loob ng kanilang mga kwarto.

Nasa kritikal na kondisyon naman ang ikalimang biktima na isang 61-anyos na ginang na sinaksak din ng suspek.

Sinubukan pang sunugin ng suspek ang bahay ngunit naapula nang mga rumespondeng bumbero. RNT/JGC

Previous articleCondo sa Binondo nasusunog!
Next article59-foot Christmas tree ng San Jose del Monte City, pinailawan na