Home METRO Condo sa Binondo nasusunog!

Condo sa Binondo nasusunog!

MANILA, Philippines – HABANG isinusulat ang balitang ito, patuloy ang paglagablab ng apoy sa warehouse sa ika-28 palapag sa Sun Tower Condominium sa Dasmariñas Street, Binondo, Manila nitong Lunes ng hapon, Disyembre 4.

Bandang ala-1:00 pasado ng hapon nang iulat ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection, nang sumiklab ang sunog na umabot ng ikatlong alarma.

Agad namang binantayan ng mga tauhan ng Manila Police District – Meisic Police Station 11, saka itinawag sa pinakamalapit na fire station.

Sa ulat ng BFP, wala pa namang naiulat na casualty o nasaktan sa sunog.

Gayunman, inaalam pa ng mga imbestigador kung saan nagmula at anong dahilan ng sunog habang iniimbestigahan kung magkano ang pinsala ng sunog.

Kasalukuyang inaapula ang apoy na maaaring tumagal pa ito ng mga ilang oras dahil nahihirapan ang mga bumbero sa pag-apula nito.

“Masyado kasing mataas ang gusali, kailangan namin ang ladder na mataas,” pahayag ng pamunuan ng BFP. Rene Crisostomo

Previous articleDagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, ipatutupad
Next article4 patay sa pananaksak ng kaanak sa New York