Home NATIONWIDE 4 Pinoy sa US kulong sa large-scale marriage fraud

4 Pinoy sa US kulong sa large-scale marriage fraud

NEW YORK— Sinentensyahan ang apat na Pilipino, na pawang mga residente ng Los Angeles, California, ng federal court sa Boston, Massachusetts, dahil sa pagkasasangkot sa large-scale marriage fraud scheme.

Kinilala ang mga akusado na sina Marcialito Benitez, 50, Juanita Pacson, 48, Engilbert Ulan, 43, at Nino Valmeo, 43, na nahatulan ng pagsasabwatan upang ayusin ang mga fraudulent marriage na tumulong sa daan-daang undocumented immigrant na makakuha ng legal status sa Estados Unidos.

Ang mga rekord ng korte ay nagpapakita na ang apat na Pilipino ay nagsabwatan upang ayusin ang mga sham marriage kapalit ng halagang mula $20,000 hanggang $35,000 USD.

Nagsumite umano sila ng mga pekeng dokumento para mapadali ang pagproseso ng mga work permit at green card para sa kanilang mga kliyente.

Ang ahensya ni Benitez ay napag-alamang may orchestrated fraudulent marriages at nagsumite ng mga pekeng dokumento sa imigrasyon para sa hindi bababa sa 600 kliyente sa pagitan ng Oktubre 2016 at Marso 2022. RNT

Previous article4Ps beneficiaries ‘di pasok sa Food Stamp Program
Next articleTB sa Pinas sumirit sa 612,534 nitong 2023!