Home NATIONWIDE 4 reclamation projects suspendido – PBBM

4 reclamation projects suspendido – PBBM

MANILA, Philippines- Apat sa limang reclamation projects ang suspendido ngayon.

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. makaraang idulog ng ilang opisyales mula sa lalawigan ng  Bulacan ang pangangailangan na bigyan ng sapat na engineering intervention ang ginagawang reclamation projects.

Sinabi ng Pangulo na isinailalim sa masusing pagsusuri ang apat na reclamation projects habang may isa naman ang itinuloy matapos na sumailalim sa kaukulang pagrerebisa.

Winika ng Pangulo na marami na silang nakitang problema gaya  ng hindi magandang pagpapatakbo sa ginagawang proyekto kaya’t ipinasuspinde muna ang mga ito.

Ayon sa Punong Ehekutibo, dapat na maisaayos ang nakitang problema lalo’t maraming mga ilog ang magbabara kung itutuloy ang proyekto.

“Tsaka ano.. nakasuspinde sila lahat. under review ang lahat ng reclamation. iyong  isa lang ang natuloy dahil na-review na. Maraming problema. Marami kaming nakita na hindi masyadong magandang patakbo,” aniya.

Samantala, sinabi ng Pangulo na tila nawawala at natatabunan na ang dagat sa Roxas Boulevard dahil sa reclamation.

“But anyway, malaking.. isa pang.. isa pang malaking problema na kailangang ayusin yan kasi iyong mga ilog, kung matuloy lahat yan .. maraming ilog ang mababara eh.. Lumalabas sa Laguna. Wala na talagang napupuntahan ang tubig. Wala na ngang ano eh..iyong Roxas Boulevard.. iyong dagat eh.  nawawala iyong dagat,” aniya pa rin. Kris Jose