Home NATIONWIDE 4 state witness sa flood control, nagbalik ng P316-M mula sa sinasabing...

4 state witness sa flood control, nagbalik ng P316-M mula sa sinasabing bilyon na nakulimbat

177
0
Nagbigay-seguridad ang PRO 1 sa inspeksyon ng mga flood control project sa Bauang at Tubao, La Union noong Setyembre 16, 2025, kasama sina PBGEN Dindo R. Reyes, ICI Adviser Benjamin Magalong, at DPWH Sec. Vince Dizon.

MANILA, Philippines – Narekober ng pamahalaan ang PHP316 milyon mula sa apat na state witnesses kaugnay ng mga kasong ghost flood control projects, ayon kay Acting Justice Secretary Fredderick Vida nitong Huwebes.

Kabilang sa mga naibalik na halaga ay PHP181 milyon mula kay DPWH Bulacan District Engineer Henry Alcantara, PHP80 milyon mula kay DPWH Regional Director Gerard Opulencia, PHP35 milyon mula kay DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, at PHP20 milyon mula sa government contractor Sally Santos.

“Sila po ay nakikipagtulungan sa Department of Justice para po mapalakas ‘yung ating mga kaso laban doon sa ating gustong habulin,” ani Vida.

Ayon kay DOJ Undersecretary Nicholas Ty, inaasahan ng pamahalaan na aabot sa higit PHP1.5 bilyon ang mare-recover mula sa apat na state witnesses bilang restitution para sa umano’y kickbacks.

“Ang estimate doon sa apat, lalampas sa PHP1.5 billion,” dagdag niya.

Nilinaw naman ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon na dalawang dating DPWH assistant district engineers, sina Brice Hernandez at Jaypee Mendoza, ay hindi pa tinatanggap bilang state witnesses.

“Sa ngayon wala kaming nakikitang pangangailangan para sila ay i-discharge namin, at least, tungkol dito sa mga kaso kung saan sila ay lumalapit para matanggap bilang testigo estado,” paliwanag niya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here