MANILA, Philippines – Inaresto ng Soccsksargen police ang apat na drug suspects at nasamsam ang halos P2 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa serye ng entrapment operations sa mga bayan ng Lebak at Kalamansig sa Sultan Kudarat.
Ayon kay Brig. Gen. James Gulmatico, regional director ng Police Regional Office-12, isinagawa ang tatlong magkakahiwalay na operasyon sa dalawang coastal towns.
Sa Barangay Barurao 2 ng Lebak, isinagawa ang entrapment operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang “Bata,” 42, at kasama nitong si “JB,” 20.
Nakuha mula sa dalawa ang nasa P1.1 milyong halaga ng shabu at hand grenade.
Sa kaparehong araw, naaresto rin ng mga operatiba mula sa local police, Philippine Drug Enforcement Agency-12 at military ang isa pang drug suspek kasabay ng pagkakakumpiska ng nasa P300,000 halaga ng shabu sa operasyong ikinasa sa Barangay Poblacion, Lebak.
Kinilala ang suspek na si “Odin,” 49, ng Barangay Poloy-Poloy, Lebak.
Si Odin ay isang high-value target na nakuhanan din ng .45 caliber na pistola.
Samantala, sa kalapit na bayan ng Kalamansig, isinagawa rin ang entrapment operation sa Barangay Cadiz na nagresulta sa pagkakakumpiska ng nasa P544,000 halaga ng shabu at naaresto si “Mani,” 52.
“These successful operations are clear manifestation of our commitment to eradicating illegal drugs in the region,” ayon kay Gulmatico. RNT/JGC