Home NATIONWIDE 4 weather system, magpapaulan sa Pinas

4 weather system, magpapaulan sa Pinas

215
0

MANILA, Philippines – Ilang weather system ang patuloy na umiiral sa bansa ngayong Miyerkules na magdadala ng maulap na kalangitan at mga pulo-pulong pag-ulan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa PAGASA, magdudulot ang shear line ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at mga panaka-nakang pagkidlat at pagkulog sa Bicol Region, Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Northern Samar.

Makakaranas naman ang Palawan ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog at pagkidlat dahil sa trough ng isang low pressure area, habang ang easterlies ang magdadala ng kaparehong lagay ng panahon sa natitirang bahagi ng Eastern Visayas.

Magdadala rin ang Northeast Monsoon ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at Aurora.

Bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mga pulo-pulong mahihinang pag-ulan ang inaasahan sa Metro Manila at sa natitirang bahagi ng Luzon dahil sa parehong sistema ng panahon. Sa iba pang bahagi ng bansa, inaasahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mga panaka-nakang pag-ulan o thunderstorms dulot ng easterlies. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here