MANILA, Philippines – Walang nanalo sa alinman sa mga pangunahing lotto jackpot ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Martes, Enero 6, kaya umakyat sa mahigit P209 milyon ang premyo ng Ultra Lotto 6/58.
Ayon sa PCSO, walang tumama sa winning combination na 11-34-09-38-12-10 para sa Lotto 6/42 na may jackpot na P6,550,096.00.
Nanatili rin ang Superlotto 6/49 jackpot na P97,432,130.70 matapos walang makakuha ng kombinasyong 48-33-27-18-05-36.
Umakyat naman sa P209,639,379.60 ang jackpot ng Ultra Lotto 6/58 matapos walang tumama sa numerong 12-30-03-08-34-54.
Ginaganap ang draws ng Lotto 6/42 at Superlotto 6/49 tuwing Martes, Huwebes, at Sabado, habang ang Ultra Lotto 6/58 ay tuwing Martes, Biyernes, at Sabado. RNT