MANILA, Philippines – Umabot na sa 40 ang naiulat na nasawi dahil sa matinding sama ng panahon noong huling bahagi ng Hulyo, ngunit tatlo pa lang sa mga ito ang kumpirmado, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Dagdag pa nito, umabot na sa ₱18.44 bilyon ang pinsala—₱2.98 bilyon sa agrikultura at ₱15.46 bilyon sa imprastruktura—na nakaapekto sa higit 91,000 magsasaka at mangingisda.
Tinatayang 2.3 milyong pamilya o 8.6 milyong katao ang naapektuhan, at mahigit 51,000 ang kasalukuyang tinutulungan, kabilang ang mga nasa evacuation centers. Santi Celario