MANILA, Philippines – Isinailalim muli sa yellow alert ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para sa Visayas grid ngayong Agosto 6, 2025, dahil sa sapilitang pagkaputol at pagbaba ng kapasidad ng ilang planta.
Epektibo ang alerto mula 3:00–4:00 p.m. at 5:00–7:00 p.m.
Kabuuang 725.2 MW ang hindi magagamit: 11 planta ang tumigil mula Abril, 6 mula pa noong 2023, at 4 ang limitado ang operasyon.
Saklaw ng Visayas grid ang Cebu, Negros, Panay, Leyte, Samar, at Bohol, na bumubuo ng 14% ng pangkabuuang demand sa kuryente. Normal ang kalagayan sa Luzon at Mindanao. Santi Celario