Home OPINION ANTI-FLOOD BUDGET LUMIIT SA KORAPSYON

ANTI-FLOOD BUDGET LUMIIT SA KORAPSYON

255
0

SINASABI ng ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways na isa sa mga pinakadahilan ng hindi matagumpay na proyekto laban sa baha ang maliit na badyet na inilalaan dito.

Waaaat?

Hindi umano nila maitodo ang paggawa ng mga kontra-bahang proyekto dahil dito.

Totoo naman kaya ito?

PROYEKTO NINA NOYNOY AT DIGONG

Noong administrasyon ni namayapa nang Pangulong Noynoy Aquino mula 2011-2016, lumilitaw na naglaro sa mahigit P10-11 bilyon taon-taon ang badyet laban sa baha sa mga unang taon nito pero tumaas ito sa P34.8B noong 2014, P39B noong 2015 at mahigit P30B noong 2016.

Kasama rito ang mahigit P1.2B para sa Mandaluyong at Blumentritt projects.

Pagdating naman ng administrasyon ni dating Pang. Digong Duterte, tumaas na ang badyet sa nasa P100B taon-taon simula noong 2018 hanggang 2022, kasama na ang mahigit P500 milyon para sa Metro Manila.

Suma total, nasa P1 trilyon ang inilaang badyet laban sa baha sa dalawang nakaraang administrationg Aquino at Duterte.

SA ILALIM NI BONGBONG

Simula nang manungkulan naman si Pangulong Bongbong Marcos noong Hulyo 2023, may badyet nang P280B noong 2023, P349B noong 2024, P346B para sa 2025, pwera pa ang mga binitiwan ng mga local government unit.

Kaya aabot lahat sa P1 trilyon.

40-50 PORSYENTO ANG NAKAW

Noong nangangampanya bilang Pangulo si nagbalik-senador Ping Lacson sa halalang presidential para sa 2022, sinabi nitong nasa 40 porsyento sa flood control projects ang ibinubulsa ng mga korap.

Ngayong 2025, sinabi nitong sa nakaraang 15 taon, umabot sa P2 trilyon ang kabuuang badyet laban sa baha ngunit nasa P1 trilyon ang ibinulsa ng mga korap o mandarambong.

Lumilitaw na dahil nasa P1 trilyon ang badyet para sa tatlong taong panunungkulan ni Marcos, dito naganap ang pinakamalalaking pagnanakaw sa pondo laban sa baha.

Kaya lumiit ang badyet laban sa baha.

WALANG MAIPAGMALAKI

Nitong nakaraang State of the Nation Address ni Marcos, iniwasan nitong magmalaki sa mga nagawa na nitong kontra-bahang mga proyekto dahil malinaw na palala nang palala ang mga pagbaha sa buong bansa.

Nagkaleksyon siya sa SONA noong 2024 dahil isang araw lang matapos ito, sumalakay si superbagyong Carina at binaha ang Pilipinas nang katakot-takot.

Ilang araw lang makaraan, binawi ng mga bata niya ang ipinagmalaki niyang mahigit 5,500 proyekto at sinabing mga proyekto iyon ni Digong.

Pinalakpakan ang 5,500 proyekto noon.

Nitong nakaraan ngang SONA, sa halip na magmalaki nasa 10,000 nang natapos umanong proyekto at 5,000 pa ngayong 2025, sinisi ni Bongbong ang mga korap at paulit-ulit niyang sinabing “Mahina naman kayo!”

Kasunod na nito ang pagbabanta na ipakukulong niya ang mga walanghiya, kasama na ang mga kasabwat na mga kontratista ng mga ito.

Hindi lang nagpalakpak ang mga pinaniniwalang korap at kontratista kundi nag-standing ovation pa sila.

Batay sa pahayag ni Lacson, itong mga korap at kasabwat na kontratista ang dahilan ng pagliit ng badyet laban sa baha, kasama na ang mga inutang para rito.

Hindi tumalab ang salita ni Bongbong na “Mahiya naman kayo!”

Hmmmm. Bakit kaya?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here