Home NATIONWIDE 4,000 residente nakinabang sa programang tulong ng DSWD at senador

4,000 residente nakinabang sa programang tulong ng DSWD at senador

Tinatayang aabot sa 4,000 katao ang nabiyayaan sa pamamahagi ng tig-P2,000 bawat isa sa pamamagitan ng Assistance for Individual in Crisis Situation (AICS) ng DSWD na kasama sa programa ni Senador Bong Revilla Jr. sa Lunsod Quezon.

Kasunod nito ay isinagawa ang bloodletting sa Amoranto Stadium sa Roxas District Quezon City na tinaguriang “Dugong Alay, Dugtong Buhay” na nilahukan st sinuportahan ng Chinese General Hospital and Medical Center, Lung Center of the Philippines, Alpha Phi Omega, Agimat Riders, Armed Forces of the Philippines, Philippine Marines, Philippine Navy, Philippine Air Force, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, at Philippine National Police na taunang ginagawa Simula 2017 para sa paggunita sa kaarawan ni Bong Revilla.

Layunin ng “Dugong Alay, Dugtong Buhay ” na makaipon ng dugo para sa emergency cases.

“Sinuman po ang mangangailangan ng dugo ay tutulungan nito,” ani Sen. Revilla Jr.

Pero hindi lamang sa dugo, nilinaw ni Revilla na bukas ang kanyang Tanggapan sa sinumang nangangailangan ng tulong .

“Hindi ko po kayo malilimutan; kaya nga po sa tuwina pagdiriwang ng aking kaarawan ay dito ako nagsisimula sa Quezon City ; sabi ni Revilla na sinalubong ng masigabong palakpakan ng halos nasa 5,000 attendees.

Sa pagkakataon ng AICS program, nag-ulat si Bong Revilla Jr. na pasado na ang batas na nagpapahintulot mag exam ang hindi bayad sa mga kolehiyo at Universidad; meron na ring Expanded Senior Citizens Act na nagkakaloob ng P10,000. sa bawat senior citizen na edad 70, 75, 80, 85, 99, at 95; nakasalang na rin para sa pagpapasa ng dalawang Kamara ang Early Retirement Age bill na magbibigay ng benepisyo sa mga kawani ng mas maaga; at ang Birth Certificate na magiging pangmatagalan na ang paggamit na walang expiration date.

“Ilan po lamang yan sa halos 400 batas na inakda ko para sa kapakinabangan ng mga mamamayan. Umasa po kayong patuloy na magsisipag sa pagtatarabaho ang inyong Lingkod para sa Inyo dahil mahal ko po kayo”, sabi ni Revilla. (Dave Baluyot)