ALBAY, Philippines – Aabot sa 425 volcanic earthquakes ang naitala sa bulkang Mayon sa patuloy na pag-aalboroto nito sa nakalipas na magdamag iniulat kanina Marso 17 (Martes) ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs nakataas ang antas ng alerto 3 sa paligid ng bulkang Mayon.
Sinabi pa ng Phivolcs na patuloy ang pagdaloy ng lava mula sa bulkan at naitala rin ang 396 pagguho ng bato mula sa taas ng bulkan.
Iniulat din ng Phivolcs namataan din ang pamamaga ng bulkan at ang pagbuga ng usok mula sa bunganga ng bulkan na may 700 metrong taas mula sa bunganga ng bulkan.
Mahigpit din ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok sa anim na kilometrong (6 km) radius Permanent Danger Zone dahil sa banta ng pagputok ng bulkan.
Ipinagbabawal din ng ahensya ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan.
Kaugnay nito nagbabala din ang Phivolcs na maaaring maganap ang mga sumusunod gaya ng pagguho ng bato, paagos ng lava o bato at katamtamang pagputok ng bulkan. (Santi Celario)