Home NATIONWIDE 43 mag-anak na dumalo sa kasal, sugatan sa aksidente

43 mag-anak na dumalo sa kasal, sugatan sa aksidente

ENRILE, Cagayan – Kasalukuyan nilalapatan ng lunas ang apatnapu’t tatlong katao mag-aanak matapos mahulog ang kanilang sinasakyan jeepney sa gilid ng kalsada sa San Roque, Enrile, Cagayan.

Napag-alaman na galing sa isang kasalan sa Tumauini, Isabela ang naturang jeep at pauwi na sana sa bayan ng Enrile nang maganap ang aksidente.

Ayon sa tsuper ng jeep, bigla umanong nag-lock ang kaniyang manibela dahilan upang mawalan ito ng kontrol at mahulog sa gilid ng kalsada.

Agad namang dinala sa pagamutan ang mga sugatang sakay ng jeepney. Rey Velasco