Home NATIONWIDE 453 arestado sa sinalakay na POGO sa P’que

453 arestado sa sinalakay na POGO sa P’que

MANILA, Philippines – Sinalakay at ipisinara ng mga awtoridad ang umano’y Philippine offshore gaming operation facility na pinatatakbo ng China at naaresto ang 453 inibidwal sa Paranaque City noong Huwebes, ayon sa Presidential Anti-Orgnized Crime Commission (PAOCC).

Sa mga naaresto, 307 dito ang mga Filipino, 137 ang mga Chinese, 3 ang Vietnemese, 2 Malaysian, 2 Thai at isang Indonesian at isang Taiwanese.

Ayon sa PAOCC, ang operasyon ay nag-ugat mula sa concerned citizens.

Ipinapahiwatig din na ang naturang POGO ay isang sport betting scam na tinatarget umano ang mga Chinese at Indian nationals.

Ang mga tauhan ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP CIDG) at ang Southern Police District (SPD), Department of Justice Office of Cybercrime (DOJ OOC), Bureau of Immigration (BI) Intelligence Division, at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nanguna sa pagsalakay. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)