Home NATIONWIDE 4,700 parak na apektado ng mga bagyo aasistihan ng PNP

4,700 parak na apektado ng mga bagyo aasistihan ng PNP

MANILA, Philippines- Pinaplantsa na ang tulong para sa mahigit 4,700 pulis na labis na apektado ng mga nagdaang bagyo, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni PNP chief Gen. Rommel Marbil nitong Linggo na pinakilos na ang engineering response team upang pangasiwaan ang pagkukumpuni ng mga bahay ng 4,781 pulis na apektado ni Bagyong Nika (international name: Toraji), Bagyong Ofel (international name: Usagi), at Bagyong Pepito (international name: Man-yi).

“By helping our own people, we ensure that their heroism in helping others endures. This program is not just about rebuilding houses—it’s about rebuilding lives,” dagdag ng opisyal.

Tungkulin ng nasabing team na kumpunihin ang 774 napinsalang tahanan ng PNP personnel sa Regions 1 (Ilocos), 2 (Cagayan Valley), 3 (Central Luzon), 4A (Calabarzon), 5 (Bicol), 8 (Eastern Visayas), at sa Cordillera Administrative Region.

“Reconstruction efforts are in full swing, with progress being made daily across affected areas,” anang PNP.

Umapela rin ang kapulisan sa publiko ng suporta, partikular sa disaster recovery efforts.

Lumabas si Nika ng boundary ng bansa noong November 12, si Ofel noong November 17, at Pepito noong November 18. Apektado sa nabanggit na mga bagyo ang 4.2 milyong indibidwal o mahigit 1.1 milyong pamilya. RNT/SA