Home METRO 4K Navotenos tumanggap ng cash aid

4K Navotenos tumanggap ng cash aid

UMABOT sa 4,000 Navoteños ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa lokal napamahalaan lungsodng Navotas mula sa iba’t-ibang programa.

May kabuuang 3,832 rehistradong mangingisda at mga drivers ng de padyak at de motor ang tumanggap ng P3,000 cash subsidy mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development.

“Our fisherfolk and tricycle drivers are vital to our economy and daily life. We recognize the hardships they endure to provide for their families and we want to help lessen their financial burden,” ani Navotas City Mayor John Rey Tiangco.

Pinaalalahanan rin ni Mayor Tiangco ang mga benepisyaryo na unahin ang pangangailangan ng pamilya at mag-impok para sa kinabukasan.

“We have several initiatives aimed at providing sustainable livelihood such as the NavoBangkabuhayan program for our registered fisherfolk. We also have Tulong Negosyo carts and Tulong Puhunan for those who wish to start their own business,” dagdag pa ng alkalde.

Samantala, namahagi ng educational assistance ang Navotas noong isang linggo sa 355 public special education students o students with disability ng P1,000 para sa buwan ng Marso at Abril.

Naipasa ng pamahalaang lungsod ang City Ordinance 2019-04 na maglalaan sa mga PWD students ng P500 buwanang educational assistance or P5,000 kada academic year.

Nakatakda rin na magbigay ng P2,000 sa 102 benepisyaryo ng Saya ALL, Angat ALL Tulong para sa mga rehistradong Navoteño solo parents at kabilang dito ang Navoteños na may Solo Parent ID mula January-April 2024 at ang mga hindi kwalipikado para sa city’s monthly cash assistance na ipinamahagi noong Abril. (R.A Marquez)