Home NATIONWIDE 5.6K barangay ‘at risk’ sa baha, landslide sa bagyong Kristine

5.6K barangay ‘at risk’ sa baha, landslide sa bagyong Kristine

212
0

MANILA, Philippines – Nasa 5,688 barangay ang nanganganib sa banta ng landslide at pagbaha sa iba’t ibang rehiyon dahil sa bagyong Kristine, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) nitong Lunes, Oktubre 21.

Inaasahan kasing tatama bilang isang malakas na bagyo ang Tropical Depression Kristine sa eastern coast ng Cagayan pagsapit ng Huwebes, at maaaring tumawid sa northern Luzon.

Sa pahayag, sinabi ng OCD na inatasan na nito ang regional offices na magpatupad ng preparedness measures para rito, dahil posibleng magdala ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan ang rain bands ng bagyong Kristine sa Bicol region, Samar provinces at iba pang lugar simula bukas, araw ng Martes.

Tinatayang mahigit isang milyong indibidwal naman ang maapektuhan ng bagyo ayon sa predictive analyses mula sa Department of Social Welfare and Development.

“We urge vulnerable communities to heed our call and make the necessary preparations for Kristine, our 11th tropical cyclone this year. Your cooperation is essential to our ongoing efforts to ensure your safety and well-being,” pahayag ni OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here