Home NATIONWIDE Ex-Maguindanao governor guilty sa graft, malversation of public funds

Ex-Maguindanao governor guilty sa graft, malversation of public funds

206
0

MANILA, Philippines – Guilty sa graft at malversation of public funds si dating Maguindanao governor Datu Sajid Islam Ampatuan, ayon sa Sandiganbayan.

Sa 66-pahinang desisyon na inilabas nitong Oktubre 18, sinentensyahan ng Sandiganbayan si Ampatuan ng
indeterminate penalty ng pagkakulong na mula walong taon at isang buwan, hanggang 12 taon sa paglabag sa Section 3 (e) ng Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Para naman sa krimen na malversation of public funds sa ilalim ng Article 217 ng Revised Penal Code, sinentensyahan si Ampatuan ng reclusion perpetua at pinababayaran ang multang katumbas ng P393 million, na nagrerepresenta sa halagang kinurakot nito.

Bilang kabayaran, inatasan si Ampatuan na bayaran ang kaparehong halaga sa pamahalaan sa pamamagitan ng Bureau of Treasury, na may interest na 6% per annum mula sa finality ng desisyon hanggang sa tuluyang mabayaran ng buo.

Sangkot sa kaso ang P400 milyong pondo ng bayan na para sana sa konstruksyon at rehabilitasyon ng farm-to-market roads sa Maguindanao na hindi naman naipatupad. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here