Home NATIONWIDE Sovereign rights ng PH sa WPS patuloy na igigiit- Romualdez

Sovereign rights ng PH sa WPS patuloy na igigiit- Romualdez

MANILA, Philippines – Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na patuloy na igigiit ng Pilipinas ang sovereign rights nito sa West Philippine Sea (WPS).

Ginawa ni Romualdez ang pagtitiyak sa isinagawang ribbon-cutting rites para sa “War of Our Fathers-A Brotherhood of Heroes,” isang exhibit ng Philippine Veterans Bank na inialay sa mga beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong Linggo na may kaugnayan sa pagdiriwang ng ika-80 anibersaryo ng Leyte Landings na ginanap sa sa Leyte Convention Complex sa Palo, Leyte.

Aniya, ang giyera na nilabanan ng mga Pilipino may 80 taon na ang nakakaraan ay iba sa laban na kinakaharap ng mga Pilipino sa ngayon.

“Today, we face a new battlefield. Our enemy is no longer a foreign invader but the threats to our territorial integrity, the undermining of international laws, and the growing tensions in the West Philippine Sea,” ani Romualdez.

“Just as our forefathers fought side by side with allies in the past, today, we strengthen our alliances with like-minded nations to defend the principles of freedom and democracy. This is a new war – a war for peace, stability, and the preservation of our way of life. We are committed to protecting our sovereign rights, ensuring that the future generations will live in a free and secure Philippines,” giit pa nito.

Sinabi ni Romualdez na ang pagdepensa ng karapatang soberanya at integridad ng teritoryo ng bansa ay isang paglaban sa kinabukasan ng mga Pilipino.

“Ang laban na ito ay hindi lang tungkol sa teritoryo. Ito ay laban din para sa ating karapatan, para sa kapayapaan, at para sa kinabukasan ng bawat Pilipino. Ipinaglalaban natin ang mga prinsipyong itinaguyod ng ating mga bayani—karapatan, kalayaan, at katarungan,” giit pa nito.

Sa pagdiriwang ng ika-80 anibersaryo ng Leyte Landing, sinabi ni Romualdez na ang okasyon ay hindi lamang isang paggunita sa kasaysayan kundi isang panindigan sa prinsipyo ng kapayapaan, kalayaan, at soberanya. Gail Mendoza