MANILA, Philippines – Pinagtibay ng Supreme Court ang hatol na life imprisonment laban sa South Korean pastor na si Si Young Oh alyas “Steve Oh” (Si Young Oh), sa kasong qualified trafficking dahil sa pag-recruit ng mga menor de edad sa kanyang simbahan para lamang pwersahin na magtrabaho.
Sa desisyon ng Supreme Court Third Division, napatunayan si Si Young Oh na guilty ng qualified trafficking in persons sa ilalim ng Republic Act No. (RA) 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.
Ang naturang akusado ay pastor ng Korean Christian Presbyterian General Assembly na naka base sa Seoul, South Korea. Lumipat ang akusado sa Pilipinas noong 2008.
Naging head ng theology school sa Pampanga na sa kalaunan ay nabuking na walang government permits.
Sa rekord ng kaso, nirecruit ni Si Young Oh ang mga bata na sina AAA, BBB at CCC, lahat 17 taon gulang upang mag-aral ng theology upang maging pastor o missionaries.
Gayunman, sinamantala ng akusado ang mga menor de edad at pinagtrabaho bilang construction worker sa simbahan.
Abril 15, 2013 ikinasa ang joint operation ng Department of Social Welfare and Development at National Bureau of Investigation para iligtas ang mga menor de edad.
Sinabi ng Supreme Court na ang lahat ng elemento ng trafficking sa ilalim ng RA 9208 ay makikita da kaso.
“The Court found that the prosecution proved that Si Young Oh, personally or through an assistant, recruited and transported AAA, BBB, and CCC to become students in his church in Pampanga. He did
this with fraud and deception, taking advantage of the minors’ vulnerability and exploiting their religious beliefs.”
Sinabi rin ng SC na napatunayan na sa halip bigyan ng theology classes ang mga menor de edad, sapilitan na pinagtrabaho ang mga kabataan ng walang kompensasyon.
“The Court stressed that even if AAA, BBB, and CCC may have been driven by their religious convictions to agree to do construction work, a minor’s consent, even without the use of coercive or deceptive means, is not given out of their own free will.”
Inatasan ng SC ang akusado na magbayad ng PHP 2 million bukod sa pagbabayad sa mga biktima ng PHP 1.8 million bilang danyos. TERESA TAVARES