Home METRO 5 bigtime tulak laglag sa P1.3M bato sa Bulacan buy-bust

5 bigtime tulak laglag sa P1.3M bato sa Bulacan buy-bust

Bulacan – Arestado ang limang indibiduwal matapos mahulihan ng P1,394,000.00 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod ng Meycauayan.

Kinilala ang mga suspek sa mga alyas na Jr, 43, may-asawa, residente ng Brgy. Malhacan, Gian Carlo, 39, binata, jobless, ng Brgy. Iba, Eliodoro, 44, may-asawa, driver ng Brgy. Lias, Marilao, Ichi, 20, binata, jobless ng Brgy. Sta Rosa II, Marilao at Dora, 40, dalaga ng Brgy. Poblacion, Sta Maria.

Sa report kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo, ikinasa ang operasyon ng Meycauayan police station katuwang ang SOU 3, PNP Drug Enforcement Group bandang 4:39 ng umaga nitong Mayo 19 sa Brgy. Iba.

Nakumpiska sa operasyon ang anim na maliit na sachets, anim na malalaking sachets na pinaniniwalaang shabu na tumimbang ng 205 gramo, may halagang P1,394,000.00 at buy-bust money.

Sinasabing ang mga suspek na kabilang sa unified PDEA/PNP watchlisted ay nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 and 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Dick Mirasol III