BATAAN, Philippines – Bunsod ng patuloy na paglaban ng pulisya kontra iligal na droga at iba pang krimen.
Limang (5) drug suspek ang nadakip ang nadakip ng mga awtoridad habang nakumpiska ang nasa mahigit P100,000 halaga ng suspected shabu at isang baril sa mga ikinasang serye ng magkakahiwalay na buybust operation ng pulisya sa Bataan.
Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez.
Nadakip ang mga suspek sa operasyon ng pulisya sa bayan ng Dinalupihan, Bagac, Morong at Samal, Bataan.
Narekober sa mga suspek ang ilang gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price ng P108,000, marked money sa buybust at isang di-sensyadong baril mula sa isa sa mga suspek.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong Dangerous Drug Law at Illegal Possession of Firearms and Ammunition ang isa sa mga suspek. (ROEL TARAYAO)