Home METRO Lalaki todas, katoma, sugatan sa ‘love triangle’

Lalaki todas, katoma, sugatan sa ‘love triangle’

1
0

BULACAN, Philippines – Patay ang isang lalaki habang sugatan ang kanyang kainuman matapos pagbabarilin ng lasing sa bayan ng Bocaue nitong madaling araw ng Hulyo 30.

Sa ulat, kinilala ang nasawing biktima na si alyas “Turat” habang ang nasugatan kainuman ay si alyas “Ron”

Ayon sa ulat at CCTV footage bandang 12:09 ng madaling araw, nagtakbuhan ang ilang mga kabataan sa Brgy. Batia at ilang sandali pa ay sunod-sunod na mga putok na umalingawngaw sa lugar.

Bagamat hindi nakunan ng CCTV ang aktong pamamaril ay nakita naman ang isang lalaking nakasuot ng pulang damit ang lumabas sa eskinita nang humupa ang mga putok.

Batay sa imbestigasyon, dumating ang suspek sa umpukan ng dalawang nag-iinuman at hinahanap ang kanyang girl friend.

Nang hindi umano makita ng suspek na nakainom din ay sinapak niya umano ang mga nakasagutang magkainuman hanggang sa pagbabarilin ang mga ito na ikinamatay ng isa at ikinasugat ng kainuman.

Nabatid na agad nagsagawa ng hot pursuit operation ang pulisya kaya nahuli ang suspek kalaunan.

Sinasabing ang nasugatang biktima ay dati palang kinakasama ng girlfriend ng suspek habang ang namatay ay nadamay lang sa pamamaril.

Todo tanggi naman ang suspek sa paratang na nahaharap sa kasong murder at frustrated murder habang nasa kustodiya ng pulisya. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here