Home METRO Mister, himas rehas sa 2 beses sa kasong panggagahasa

Mister, himas rehas sa 2 beses sa kasong panggagahasa

2
0

CABAGAN, Isabela – Himas rehas ang isang mister na may kasong dalawang beses na panggagahasa o statutory rape matapos isilbi ang kanyang warrant of arrest sa Barangay Tallag, Cabagan, Isabela.

Bilang pagtugon ni PMaj. Felix Mendoza, hepe ng Alicia Police Station sa direktiba ni PCol. Manuel Bringas, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ay naaresto ang suspek kinilalang si alyas Elmer, 56 anyos, may asawa, isang drayber, at residente ng nasabing bayan na tinaguriang Top 7 Most Wanted Person regional level o sa boung rehiyon dos.

Sa nasabing operasyon ay pinangunahan ng mga tauhan ng Alicia Police Station bilang lead unit, katuwang ang Provincial Intelligence Unit (PIU)/Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), Regional Intelligence Unit 2 (RIU2), at 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company (2nd IPMFC).

“Ang matagumpay na pagkakaaresto sa isang Regional Most Wanted Person ay nagpapakita ng ating walang humpay na pagsisikap na maipatupad ang batas at maihatid sa hukuman ang mga taong pinaghahanap dahil sa mabibigat na krimen. Patuloy nating palalakasin ang ating operasyon upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga mamamayan at ang pagkamit ng hustisya para sa mga biktima.” dagdag na pahayag ni PCol. Bringas.

Pansamantala, nasa kustodiya ng pulisya ang suspek para sa kaukulang dokumentasyonn at tamang disposisyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here