Home NATIONWIDE AI, digital upskilling para sa ‘jobs of the future’, itinutulak ni PBBM

AI, digital upskilling para sa ‘jobs of the future’, itinutulak ni PBBM

1
0

MANILA, Philippines – Itinutulak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagpapalawak sa artificial intelligence (AI) at digital upskilling initiatives bilang bahagi ng pagsisikap na ihanda ang mas maraming filipino para sa hanapbuhay sa hinaharap at palakasin ang ‘competitiveness’ ng bansa sa modernong ekonomiya.

Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, na ang inisyatiba ay kasama sa mga mahahalagang usapin na tinalakay sa pang-limang miting ng Pangulo kasama ang Private Sector Advisory Council (PSAC) Education and Jobs Sector Group sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Miyerkules.

Tinuran ni Castro na nakatuon ang miting sa mga hakbang para paghusayin ang edukasyon, workforce development, at job creation sa bansa,

Sinabi pa nito na binigyang diin sa talakayan ang kahalagahan ng pagpapalawak ng AI at digital upskilling na magagamit ng mga manggagawang pinoy sa lalong tumataas na technology-driven economy.

“Iisa lang ang layunin ni Pangulong Marcos Jr. sa ganitong mga hakbang—ihanda ang mas maraming Pilipino sa mga trabahong kakailanganin sa hinaharap, palakasin ang kakayanan ng bansa sa inobasyon at pandaigdigang kompetisyon at lumikha ng mas marami at mas de-kalidad na oportunidad para sa bawat Pilipino,” ayon kay Castro.

Pinag-usapan din sa pulong ang mas malapit na kooperasyon sa hanay ng gobyerno, pribadong sektor, akademiya para tugunan ang jobs-skills mismatch at mas mahusay na paghahanay ng polisiya at programa kasama ng pangangailangan ng industriya.

Ayon sa PCO, “stronger collaboration among the three sectors is intended to ensure that education and skills development initiatives respond to industry and the modern economy’s requirements.”

Sinabi ng administrasyon na ang koordinasyon ay makatutulong na makalikha ng mas marami at mahusay na oportunidad para sa mga filipino habang dine-develop ang workforce upang matugunan ang labor-market demands.

Samantala, pinag-usapan din nina Pangulong Marcos at PSAC ang implementasyon ng Semiconductor and Electronics Industry Roadmap bilang bahagi ng mas malawak na puwersa ng hanap-buhay at ‘economic development agenda’ ng gobyerno.

Gayundin, saklaw ng miting ang mga programa na naglalayon na palawigin ang oportunidad para sa employment, entrepreneurship, at skills development sa mga filipino.

Sinabi ng Malakanyang na ang mga inisyatibang ito ay naglalayon na palakasin ang kakayahan ng bansa para sa inobasyon at global competitiveness habang lumilikha ng mas dekalidad na oportunidad para sa mga filipino. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here